NDRRMC umalerto kay ‘Vinta’
MANILA, Philippines - Umalerto na kahapon ang National Disaster Risk Reduction and MaÂnagement Council at AFP-Northern Luzon ComÂmand dahil sa epekto ng bagyong Vinta.
Alas-11 ng umaga kaÂhapon, si Vinta ay namataan sa laÂyong 200 kilometro silaÂngan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras.
Si Vinta ay kumikilos pakanluran hilagang kanÂluran sa bilis na 26 kiloÂmetro bawat oras.
Bunga nito, nakataas pa rin ang babala ng bagyo bilang 3 sa Cagayan, CaÂlayan, Babuyan group of islands, Apayao at Ilocos Norte, Signal number 2 sa Batanes group of islands, Abra, Kalinga, Ilocos Sur, Mt. Province at Isabela samantalang signal number 1 sa La Union, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.
Ngayong Biyernes ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.
- Latest