Halloween costumes nang-aakit ng ‘diablo’
MANILA, Philippines - Upang hindi makaÂpangÂhikayat o makapang-akit ng ‘demonyo’ ngaÂyong Halloween, mas maÂÂÂÂkabubuti kung magÂsusuot ng mga costumes ng mga santo at hindi ng mga nakakatakot na Halloween costumes.
Ayon kay Fr. Francis Lucas ng Catholic BiÂshop’s Conference of the Philippines (CBCP) - Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media, ang pagÂÂsusuot ng mga na kaÂtatakot na damit o costumes particular ang masÂcara ay pagbibigay ng pagkakataon na maÂkaÂpasok si Satanas.
“’Yung nagiging pracÂtice na nagmamasÂkara ng nakakatakot, ‘yung may nakasaksak sa leeg, puro evil eh, puro kasamaan, Dalawang bagay ‘yan na parang ina-attract mo, sini-seduce mo ‘yung diablo, o kaya nagbubukas ka ng pinto, ‘Welcome to me,’†ani Lucas.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Lucas sa umano’y aktibong partiÂsiÂpasyon ng mga bata sa traditional na “Trick or Treat.â€
Aniya, masyado pang mga bata ang mga nagÂsaÂÂsagawa nito subalit puro negatibo naman ang pinasasaisip at pinaÂsuÂsuot sa kanila.
Hindi rin umano dapat na gawing katatakutan ang All Saints’ at All Souls’ Day kung saan nagÂsaÂsaÂgawa ng Halloween Party.
Sabi ni CBCP-NASSA chairman Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, ang pagsasagawa ng mga Halloween Party o aktibidad na may kaugÂnayan dito ay hindi isang Kristiyanong kaugalian.
Giit ni Bishop Pabillo, na ang Halloween ay isang pang-commercial na aktiÂbidad at ginagamit lamang ng mga negosÂyante upang kumita sa panahon ng Todos Los Santos.
- Latest