Legalidad ng DAP nasa SC hindi sa opinyon ni PNoy
MANILA, Philippines - Ang Supreme Court lamang ang maaring magÂpasya tungkol sa legalidad ng Disbursement AcceleÂration Program (DAP) at hindi si Pangulong Aquino.
Ginawa ni Sen. Jinggoy Estrada ang reaksiyon maÂtapos ipagtanggol ng Pangulo ang DAP sa talumpati niya sa telebisÂyon kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Estrada, kung sa tingin ng Pangulo ay legal ang DAP ay opinÂyon niya ito pero ang SC pa rin ang pinal na arbiter ng batas.
Naniniwala si Estrada na dapat ipaubaya na laÂmang sa SC ang pagÂdedesisyon tungkol sa constitutionality ng DAP at walang magagawa ang sinuman sakaling magÂpasya ang Mataas na Hukuman na labag ang programa sa Konstitusyon.
Matatandaan na maÂtapos makaladkad sa isyu ng P10 bilyong pork barrel scam, ibinunyag ni Estrada sa isang privilege speech na namahagi ang Malacañang ng kaÂragdagang pork barrel maÂtapos ma-impeach si dating chief justice ReÂnato Corona.
Pero ipinagtanggol ng Malacañang ang nasabing pondo na para umano sa mga proyektong nasa ilalim ng DAP.
Iginiit din ni Estrada na hindi sa kanya nagsimula ang isyu ng DAP kundi kay mismong Budget SeÂcÂÂretary Butch Abad ng aminin nito na ang pondong ipinamahagi sa mga senador na buÂmoto ng pabor sa pag-convict kay Corona ay para sa DAP.
Ang DAP ang siÂnaÂsabing economic stiÂÂmuÂlus program ng gob yernong Aquino.
Inihayag ni Estrada na wala naman siyang biÂnanggit na DAP at sa halip ay si Abad ang nagpaliwanag tungkol sa nasabing pondo.
- Latest