Sa pananampal sa Sgt. at Arms ng Kamara Ex-solon pinagbabayad ng P200K
MANILA, Philippines - Pinagbabayad ng Court of Appeals (CA) ng ₱200,000 ang dating aktor at dating kongresista ng San Juan na si Jose Mari Gonzales matapos nitong sampalin ang daÂting Sgt. at Arms ng House of Representatives na si Bayani Fabic, kaugnay ng Impeachment case ni daÂting pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, 13 taon na ang nakararaan.
Sa 19-page decision ni Associate Justice FerÂnanda Lampas Peralta, inatasan nito si GonzaÂles na bayaran ng nasabing halaga si Editha Atienza Fabic, misis ni Bayani matapos na pagtibayin ang naunang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) ng Quezon City na nag-apruba sa pagsaÂsampa ng civil suit ni Editha matapos na mamatay si Bayani noong Agosto 17, 2011.
Kabilang sa mga suÂmang-ayon sina Associate Justices Angelita Gacutan at Francisco Acosta.
Lumilitaw na ang danÂyos na ipinabibigay ng QCRTC ay umaabot sa ₱600,000 (₱500,000 bilang moral damages at ₱100,000 para sa attorney’s fees).
Ipinaliwanag ng CA na ang nasabing danyos ay hindi para parusahan ang nagkasala at payamanin ang biktima sa pamamagitan ng defendant.
- Latest