Angkat na bigas pinigil Importer pumalag sa NFA!
MANILA, Philippines - Pumalag ang isang importer dahil hindi umano makatarungan ang pagpigil ng National Food Authority (NFA) sa mga inangkat na bigas at ang akusasyon na sangkot sa operasyon sa rice smuggling sa Davao.
Ayon sa abogado ng Silent Realty Marketing at ng Starcraft International na si Atty. Benito Salazar, dapat pag-aralan ng mga opisyal ng NFA sa pangunguna ng administrator nitong si Orlan Calayag ang batas at alituntunin sa importasyon ng bigas.
Sinabi ni Salazar na, batay sa mga sulat ng NFA sa kanyang mga kliyente, “napaghahalata ang kanilang kamangmangan sa international trade agreements at masama ang implikasyon nito sa kakayahan, competency and capability ng mga taong naatasang pangasiwaan ang isang napakahalagang ahensya.â€
Ang pahayag ni Salazar ay reaksyon sa isang pahayag ni Calayag na sangkot umano sa pagpupuslit ng bigas sa Davao ang kanyang mga kliyente at iba pang consignee.
“Nais naming pabulaanan ang mga pahayag ng NFA at iginigiit namin na lahat ng mga shipment ng Starcraft International at ng Silent Realty ay naideklarang tama bilang bigas; wala ni alin man sa mga ito ang ginamitan ng misdeclaration, o anumang pagtatago,†ayon kay Salazar.
Sinabi ng abogado na ipinaliwanag na nila sa kanilang sulat sa NFA noong Agosto at Setyembre na napaso na (expired) ang quantitative restrictions sa ilalim ng World Trade Organization (WTO) – General Agreement on Tariffs and Trade (GATT).
Ang nabanggit na quantitative restrictions ay nagbibigay ng karapatan sa mga kasaping bansa ng WTO na limitahan ang pagpasok ng mga kritikal na produktong agricultural. Mula ng maging miyembro ng WTO ang Pilipinas noong 1995 hanggang 2005, pinayagan itong hindi masakop ng probisyon sa “full import liberalization†ng bigas, bagkus binigyan pa ito ng karapatang limitahan ang dami ng pinapapasok na bigas sa pamamagitan ng Minimum Access Volume kapalit ng kaukulang bayarin at pagbubuwis mula sa ilang mga kasaping bansa.
Noong Enero 2004, humiling ang Pilipinas ng walong taong palugit upang palawigin ang pribileheyong magpatupad ng nasabing limitasyon (quantitative restrictions) hanggang Hunyo ng 2012. Dalawang ulit nang umapela ang Pilipinas at humingi ng palugit sa pagpapalawig nito, noong Disyembre 2012 at Marso lamang ngayong taon. Sa dalawang pagkakataong ito, hindi pinagbigyan ng WTO ang Pilipinas.
“Ang katotohanan sa usaping ito ay patuloy ang ginagawang negosasyon ng DA upang i-extend pa ang quantitative restrictions dahil alam na alam nitong nag-expire na ang pribilehiyong ito. Ginagawa lamang itong dahilan ng NFA upang pigilan ang importasyong naaayon sa batas ng aking kliyente,â€sabi pa ni Salazar.
- Latest