Enrile, Jinggoy, Revilla pinagko-komento ng DFA
MANILA, Philippines - Pinagkokomento ng Department of Foreign Affairs (DFA) sina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at 34 pang indibidwal na sangkot sa multi-billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund kaugnay ng pagkansela sa kanilang mga pasaporte.
Ipinaliwanag ng DFA na ayon sa Section 4 ng Philippine Passport Act of 1996 o Republic Act 8239, hihilingin ng DFA sa mga “concerned persons†o mga nasasangkot na magsumite ng kani-kanilang “written comments†bunsod na rin sa kahilingan ng DOJ na patanggalan sila ng pasaporte dahil sa ground o usapin ng “national securityâ€.
Sabi ng DFA, hindi agad makakansela ang passport ng mga respondents dahil pag-aaralan pa nila ang komento ng mga sangkot bago magdesisyon ang kagawaran.
Sinabi naman ni Justice Sec. Leila de Lima na walang hinihingi sa ilalim ng Passport Act of 1996 na kailangang may kaso, probable cause o warrant of arrest para hilinging makansela ang pasaporte ng sinuman.
Nilinaw ni de Lima na batay sa batas, ang mga kondisyon ay may kinalaman sa interes ng national security, public safety at public health. Trabaho anya ng DFA ang pagkansela ng passport at hindi ng korte.
Ang kailangan daw gawin ng DFA ngayon ay tukuyin kung papasok o saklaw ng national security ang kasong graft and corruption.
Ibinahagi rin ni de Lima na pinag-iisipan na nila kung ipapakansela ang pasaporte ng mga sangkot na respondent sa kasong may kinalaman naman sa Malampaya fund scam.
- Latest