Liquor ban simula na, PNP todo alerto: Barangay Halalan
MANILA, Philippines - Todo alerto na ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa upang paÂngalagaan ang seguridad sa gaganaping Barangay Elections sa darating na Lunes, Oktubre 28.
Sa Metro Manila ay 9,000 pulis ang nakatakdang ideploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang magbantay sa mga lugar na natukoy na areas of concern o watchlist areas.
Kabilang dito ang Bgy. 503 sa Maynila, Bgy. 87 sa Caloocan City; Bgy. Wawang Bato sa Valenzuela, Bgy. Maharlika sa Taguig City, Bgy. Pineda sa Pasig City, Bgy. Pio del Pilar sa Makati City, Bgy. Sto Domingo sa Quezon City, Bgy. Catmon sa Malabon, West Navotas at North Bay Boulevard sa Navotas at iba pa.
Nagpaalala ang CoÂmelec na simula alas-12:01 mamayang madaling-araw, Oktubre 27, hanggang sa mismong araw ng eleksiyon sa Lunes, Oktubre 28 ay iiral na ang liquor ban.
Sakop ng liquor ban ang pagtitinda, pag-aalok, pagbili, pagsisilbi at pag-inom ng lahat ng uri ng nakalalasing na inumin.
Una naman nang nilinaw ng poll body na tanging ang mga establisimyento na sertipikado ng Department of Tourism (DOT) ang maaaring magbenta o magsilbi ng alak sa mga turista at mga foreign nationals, ang exempted sa liquor ban.
Ipinaalala naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. sa lahat ng kandidato na hanggang ngayong Sabado na lamang sila maaaring maÂngampanya.
Ang mga lalabag dito at patuloy na mangangamÂpanya ay maaaring maÂdiskuwalipika at masampahan ng kaukulang kaso.
Ayon kay Brillantes, may mga nakareserba na rin silang mga generator set para tuluy-tuloy ang eleksyon kahit biglang mag-brownout partikular sa Nueva Ecija na matinÂding sinalanta ng bagyong Santi.
Ang mga voting precinct ay bukas mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa araw ng halalan.
- Latest