Napoles naospital
MANILA, Philippines - Isinugod sa ospital ang itinuturong “utak†sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles matapos itong mahilo at magsuka nitong Huwebes ng madaling araw.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief P/Sr. Supt Reuben Theodore Sindac, si Napoles ay dinala sa Southern Luzon Hospital sa Sta. Rosa, Laguna bandang ala-1:20 ng madaling araw.
“She was experiencing nausea and vomiting before dawn Thursday. We were given clearance to bring her to the hospitalâ€, pahayag ni Sindac.
Base sa inisyal na pagsusuri ay may “stones in the urether†o bara sa daluyan ng ihi si Napoles.
Matapos namang masuri at maresetahan ng gamot ng mga doktor ay ibinalik na muli si Napoles sa detention facility nito sa Fort Sto. Domingo, Sta Rosa bandang alas-3:30 ng madaling araw.
Tiniyak naman ng Senado na hindi uubra sa Senado sakaling magsakit-sakitan si Napoles.
Ayon kay Sen. Chiz Escudero, hindi maaring pekein ni Napoles ang karamdaman niya dahil maari naman itong patingnan sa doktor ng Senado at mga doktor ng gobyerno.
Ipinaalala rin ng senador na may nakahain ng panukalang batas na nagsasabing dapat magkaroon ng mas mataas na kaparusahan ang sinumang medical professional na magbibigay ng hindi totoong findings.
Ayon kay Escudero inihain ang nasabing panukala dahil na rin sa naging karanasan ng Senado na biglang nagkakasakit ang mga resource persons kapag pinapaharap sa imbestigasyon.
Pero kung mapapatunayan aniyang maysakit si Napoles, hindi naman ito maaring pilitin na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na itinakda sa Nobyembre 7.
- Latest