Oplan Undas kasado na
MANILA, Philippines - Kasado na ang taunang “Oplan Undas, Ligtas Biyaheâ€ng Department of Transportation and Communication (DOTC).
Nakatakda itong ipatupad simula Biyernes, Oktubre 25 hanggang Nobyembre 4.
Nabatid na maagang umarangkada ang Oplan Undas dahil inaasahang magsisimula nang mag-uwian sa probinsya ang mga taga-Metro Manila bukas pa lamang lalo na’t mayroon ring long weekend hanggang Lunes, Oktubre 28, na siyang petsa ng Halalang Pambarangay.
Naniniwala rin ang DOTC na marami ang itutuloy na ang bakasyon nila mula Biyernes hanggang sa Undas.
Inaasahan namang sa Oktubre 31 ay dadagsa na ang mga taong magsisiuwian sa kani-kanilang probinsya kaya magtatalaga ng dagdag na tauhan sa mga expressway.
May mga ambulansiya at mga medical team rin naman na mag-aantabay sa mga lansangan.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Toll Regulatory Board (TRB) na walang pagtataas sa toll fee ngayong Undas.
- Latest