^

Bansa

2016 bet ni PNoy sikreto pa rin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inililihim pa rin ni Pa­ngulong Aquino kung sino ang magiging kandidato niya sa halalang pampa­nguluhan sa taong 2016.

Sa Presidential Forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, tinanggihan ni Aquino na sagutin ang tanong kung sino ang kanyang kandidato sa susunod na halalang pampanguluhan.

Ipinaliwanag niya na ayaw niyang mabato ng mga kritisismo at alegasyon sa natitirang mga taon ng kanyang panunungkulan ang sino mang napipisil niyang pumalit sa kanya sa puwesto.

 Gayunman, sinabi ni Aquino na nais niyang ipagpatuloy ng sino mang magiging kandidato niya ang kanyang mga nagawa at higitan pa ang kanyang mga tagumpay.

Si Vice President Jejomar Binay ng oposisyong United Nationalist Alliance (UNA) ay nagdeklara na noon na kakandidato siyang presidente sa 2016.

Hindi pa rin naipapahayag ng makaadmi­nistrasyong Liberal Party ang magiging manok nito sa 2016 pero may mga usap-usapan na si Interior Secretary Manuel Roxas ang magiging standard bearer ng partido. Tahimik naman sa usaping ito si Roxas.

vuukle comment

AQUINO

FOREIGN CORRESPONDENTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

GAYUNMAN

INILILIHIM

INTERIOR SECRETARY MANUEL ROXAS

LIBERAL PARTY

SA PRESIDENTIAL FORUM

SI VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with