Dasal na lang sa bibitaying Pinoy sa Saudi
MANILA, Philippines - Habang papalapit ang oras ng isang OFW, hiniling kahapon ni Vice President Jejomar Binay sa publiko ang pagdarasal upang masagip ang nasabing Pinoy sa takdang pagbitay sa Saudi Arabia sa susunod na linggo.
Kasabay nito, muÂling umapela si Binay sa publiko na tumulong sa pagkalap ng pondo para sa kakailanganing P45 milyong blood money kapalit ng kaligtasan at kalayaan ng Pinoy na si Joselito Zapanta na nasa death row.
“Umasa pa rin tayo sa himala. Baka mabigyan pa tayo ng extension at baka ibaba pa ang halaga,†ani Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFW concerns.
Ang pamilya Zapanta ay kailangang makalikom ng 4 milyong Saudi Riyal na siyang hinihingi ng pamilya ng isang Sudanese national na napatay ni Zapanta noong 2009 kapalit ng pagbibigay nila ng tanazul o affidavit of forgiveness.
Sa kasalukuyan, umaÂabot pa lamang sa 520,831 Saudi riyal ang nalilikom ng pamilya Zapanta kasama na dito ang ambag ng gobyerno na 400,000 Saudi riyal.
Nakatakda ang huling deadline ng pagbibigay ng blood money sa Nobyembre 3.
Dahil dito, malaki ang posibilidad na ituloy ang pagbitay kay Zapanta sa Nobyembre 4 kapag nabigo ang pamilya nito na maipasa ang nasabing blood money.
Gayunman, umaasa pa rin ang Phl government na mabibigyan pa ng extension ang pamilya Zapanta upang makalikom ng naturang kabuuang halaga bagaman dalawang beses nang nagbigay ng reprieve o pagpapaliban sa bitay ang Saudi government para kay Zapanta upang mabigyan ng pagkakataon ang pamilya nito na makakalap ng pondo.
Nauna nang hiniling ng pamilya ng biktima ang 5 milyon SAR hanggang sa mapababa ito sa SAR 4 milyon.
- Latest