30 negosyante huli sa ‘price freeze’ sa Bohol
MANILA, Philippines - Nasa 30 “retailers†o mga negosyante ngayon ang pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) makaraang mahuli na lumalabag sa ipinatutupad na “price freeze†sa Bohol.
Ayon kay Atty. Victorio Mario Dimagiba, officer-in-charge ng DTI-Consumer Welfare and Business Regulation Group, inisyuhan na nila ng notice of violation ang 30 retailers. May 48 na oras umano ang mga ito para magpaliwanag ng kanilang panig bago dedeterminahin ang kanilang pagkakasala.
Sa itinatadhana ng Republic Act 7581 o The Price Act, otomatikong ipapatupad ang “price freeze†sa mga lugar na nagdeklara ng “state of calamityâ€. Sinumang lalabag ay maaaring makulong ng mula isa hanggang 10 taon at multang mula P5,000 hanggang P2 milyon.
Inilagay sa state of calamity ang Bohol at Cebu makaraang tamaan ng magnitude 7.2 na lindol nitong Oktubre 15 na ikinawasak ng maraming ari-arian at pagkasawi ng maraming residente.
Matatandaan na inalerto ng DTI ang kanilang mga opisyales sa naturang lalawigan matapos na matanggap ang ulat sa pag-abuso ng mga negosyante kung saan isang istasyon ng gasolina ang nagbebenta ng P100 kada litro ng petrolyo.
Muling nagbabala ang DTI sa mga negosyante sa dalawang lalawigan na kanilang sasampahan ng kaso ang mga ito kapag hindi tumigil sa kanilang pagmamalabis sa mga kababayan na nagugutom dahil sa kakapusan ng suplay ng pagkain.
Nakatakdang magsagawa ng “Diskuwento Caravan†ang DTI ngayong linggo sa dalawang lalawigan kung saan makakabili ang mga Boholano at Cebuano ng murang mga pangunahing bilihin.
- Latest