^

Bansa

Noise pollution problema sa halalan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Noise pollution ang pangunahing problema na ipinararating ng mga mamamayan sa Commission on Elections.

Ayon kay Comelec spokesman Executive Director James Jimenez, ang matinding ingay na likha ng mga kandidato sa barangay election ang inirereklamo sa kanila ng mga residente.

Nakaugalian na sa panahon ng pangangampanya, ang mga kandidato ay gumagamit ng mga paulit-ulit na jingle na malakas ang volume upang marinig ng mga botante sa  lugar na kanilang nasasakupan.

Ang mga sasakyan din umano na ginagamit sa mga motorcade ng mga kandidato ay nakadadagdag din ng ingay.

Ayon kay Jimenez dahil sa ingay na likha sa pa­ngangampanya ng mga kandidato, marami ang nagre­reklamo sa kanila.

Kaugnay nito ay nananawagan si Jimenez sa mga kandidato na sa oras ng pamamahinga o pagtulog ng mga mamamayan ay iwasan ang paglikha ng ingay sa kanilang pangangampanya.

Napag-alaman din kay Jimenez na mayroon na ring anim na kaso ng premature campaigning na naisampa sa kanilang tanggapan.

Sa ngayon ay minomonitor ng Comelec ang paggastos o overspending ng mga kandidato, mga ginagamit na posters at tarpaulin na aniya ay dapat naaayon lamang sa tamang sukat.

AYON

COMELEC

EXECUTIVE DIRECTOR JAMES JIMENEZ

JIMENEZ

KANDIDATO

KAUGNAY

NAKAUGALIAN

NAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with