Manila Water, may 14,624 na bagong koneksyon ng tubig sa 2013
MANILA, Philippines - Saunang anim na buwan ng 2013, 14,624 bagong water service connections ang naikabit ng Manila Water upang maserbisyuhan ang karagdagang 23,216 kabahayan sa silangang bahagi ng konsesyunaryo.
Ayon kay Manila Water East Zone Business Operations Group Director Ferdinand dela Cruz, 4,313 bagong koneksyon ang naikabit ng Manila Water sa buwan lamang ng Hunyo sa taong kasalukuyan kung saan 4,228 dito ay mula sa domestic customers. Higit sa kalahati naman nito o 2,406 ang naikabit sa mga kabahayan ng mga maralitang taga-lungsod sa pamaÂmagitan ng programang “Tubig Para sa Barangay†(TPSB). Walumpu’t limang commercial at industrial na kustomer naman ang nakabitan ng bagong koneksyon sa unang bahagi ng 2013. Sa kasalukuyan, may kabuuan nang 910,772 water service connections ang naikabit ng Manila Water kung saan 1,282, 178 kabahayan sa silangang bahagi ng Metro Manila at iba pang bahagi ng lalawigan ng Rizal ang nakikinabang.
“Layon ng Manila Water na makapaghatid ng malinis, ligtas na maiinom na tubig sa abot-kayang halaga lalo na sa mga maralitang taga-lungsod na walang maayos na mapagkuÂkunan ng serbisyo ng tubig noong mga nakaraang panahon,†dagdag ni Dela Cruz.
Ang Manila Water ay ang pribadong konsesyunaryo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na nagbibigay ng serbisyong patubig at alkantarilya sa silangang bahagi ng Metro Manila na sakop ang Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Pateros, Mandaluyong, San Juan, ilang bahagi ng Quezon City at Maynila at ilang bahagi ng lalawigan ng Rizal.
- Latest