Konsehal, 3 pa sugatan sa ambush
MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang isang konsehal ang malubhang nasugatan matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan kaugnay ng umiinit na banggaan sa pulitika sa nalalapit na brgy. elections sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay, kamakalawa.
Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Sarabon Bawa, konsehal sa bayan ng Tungawan; Perlito Septimo, 35; Roveli Aclanon, 31; at Arnel Aclanon, 40; pawang mga residente sa bayan ng Ipil.
Ang mga ito ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa isang hospital sa Zamboanga City matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, naganap ang pananambang sa mga biktima sa bisinidad ng Brgy. Baybay Buluan, Ipil bandang alas-9:20 ng umaga.
Ang insidente ay sa gitna na rin ng mainit na pangaÂngampanya ng mga kandidato sa nasabing bayan kaÂugnay ng gaganaping Brgy. elections sa darating na Oktubre 28 ng taong ito.
Base sa imbestigasyon, kasalukuyang nasa naÂsabing lugar ang mga biktima ng biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo.
Pagtapat sa mga biktima ay bigla na lamang ang mga itong pinagbabaril ng mga suspek gamit ang cal. 45 pistol saka mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitika ang pananambang habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.
- Latest