180 na patay sa killer quake
MANILA, Philippines - Umabot na sa 180 ang bilang ng mga nasawi sa 7.2 magnitude na lindol sa Central Visayas matapos makarekober ng pito pang bangkay kahapon.
Sinabi ni AFP Central Command spokesman Lt. Jim Aris Alagao, sa 180 death toll, 167 rito ay sa Bohol, 12 sa Cebu at isa sa Siquijor.
Nasa 12 pa ang pinaghahanap na pawang mula sa mga baÂyan ng Loon, Sagbayan at Clarin sa lalawigan ng Bohol.
Sa report naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 487 ang sugatan, 393 rito ay sa Bohol; 89 sa Cebu, tatlo sa Siquijor, isa sa Iloilo at isa rin sa Negros Oriental.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, ang lindol ay nakaapekto sa may 695,466 pamilya o kabuuang 3,492,496 M katao sa Central Visayas.
Pumalo na rin sa 1,846 ang naitalang aftershocks sa Bohol at Cebu.
Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan sa lindol.
- Latest