Misuari, 3 pa nasa lookout order ng BI
MANILA, Philippines - Isinailalim na ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout order si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari at tatlong iba pa.
Bukod kay Misuari, na kilala din sa paÂngalang Nurulaji Misuari at Nur Pining Misuari, kasama rin sa minamatÂyagan ngayon ng Immigration Lookout Bulletin sina, Ustadz Habier Malik, Bas Arki at Assamin Hussin.
Ang nasabing ILB ay kaugnay sa ginawang paghahasik ng kaguluhan ng mga nasabing respondent sa Zamboanga City na tumagal ng tatlong linggo
Una nang ipinagharap ng Department of Justice ang mga nabanggit na indibidwal at iba pa ng kasong rebelyon at pagÂlabag sa Republic Act No. 9851 o Philippine Act on Crimes Against International HumanitaÂrian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.
- Latest