Krisis sa tubig
MANILA, Philippines - Dumaranas ngayon ng matinding krisis sa tubig ang Bohol matapos ang pagtama ng 7.2 lindol.
Batay sa ulat, putik at manilaw-nilaw na tubig ang inilalabas ng mga poso at gripo sa lalawigan na delikadong inumin ng mga residente.
Kinakapos na rin umano ng mga pagkain ang mga residente dahil sa kakulangan ng relief goods partikular na sa mga ‘isolated’ na lugar sa Bohol.
Ayon naman kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, nagdeploy na ang AFP ng water sanitation team mula sa Philippine Army at Philippine Navy sa Bohol at Cebu.
“The water sanitation team from the Army and Navy soldiers were capable of operating water purifiers that can convert unsanitized water into reliable drinking water for up to 32,000 liters per hour,†wika ni Zagala.
- Latest