^

Bansa

Cayetano kay Napoles: ‘Magsabi ng totoo para makamit ang katahimikan’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni Senator Alan Peter Cayetano sa mga religious leaders na kaibigan o nakapaligid kay Janet Lim-Napoles, ang itinuturing na mastermind sa Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF) scam, na payuhan ang huli na magsabi ng totoo upang makamit ang hinihiling nitong katahimikan.

Tugon ito ni Cayetano sa isang panayam ng mga mamahayag sa kanyang pagpunta sa University of the Philippines, Diliman bilang keynote speaker sa ika-limang “Rippes International Meeting on Social Solidarity Economy” na ginanap sa College of Social Work and Development ng unibersidad, kahapon.

Ayon sa Senador, kung sinasabi anya ni Napoles na naghahanap siya ng katahimikan ng pag-iisip at pagtubos sa kasalanan, kailangang ilabas niya ang lahat ng kanyang nalalaman na katotohanan hinggil sa isyu.

Sabi pa ng Senador, hindi anya makakahanap ng ganitong mga bagay si Napoles, maging ang kanyang pamilya hanggang nananatiling tikom ang kanyang bibig na ibunyag ang lahat niyang nalalaman.

Giit pa ng mambabatas, magagawa umano ni Napoles na mamaniobra ang batas, mamaniobra ang politika, at siraan ang taong gusto niyang siraan pero hindi niya makukuha ang kapayapaan at katahimikang hinahangad hanggang naroon pa rin ang mga sangkot sa nasabing anomalya.

Sabi pa nito, mangyayari lamang anya ang ganitong pagkakataon, sa sandaling magpunta siya sa Senado para sa imbestigasyon.

Naniniwala din ang mambabatas na pagbibigyan sila ng korte na iharap sa Senado si Napoles sa sanda­ling ipatawag o kailanganin nang iharap ito sa bayan para magpaliwanag tungkol sa isyu.

COLLEGE OF SOCIAL WORK AND DEVELOPMENT

DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

RIPPES INTERNATIONAL MEETING

SABI

SENADO

SENADOR

SENATOR ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with