Bagong fault system nadiskubre sanhi ng 7.2 lindol
MANILA, Philippines - Posible umanong sanhi ng bagong fault system ang 7.2 magnitude lindol na tumama sa Central Visayas.
Ito ang inihayag kahapon ni Phivolcs Director Ishmael Narag, head ng Earthquake Monitoring Division sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay Narag, nagdeploy na ang kanilang tanggapan ng isang team sa Bohol para pag-aralan ang nasabing teorya dahil masyadong malakas ang pagyanig na lihis sa dating natukoy na paggalaw sa East Bohol fault.
Samantala ang orihinal na epicenter ng 7.2 lindol ay natukoy na mula sa bayan ng Sagbayan sa halip na sa dating inianunsyo ng Phivolcs na nasa may 2 kilometro sa silangang bahagi sa bayan ng Carmen, Bohol.
Nilinaw ng opisyal na posibleng bagong fault system ang sanhi ng maÂlakas at mapaminsalang lindol na natukoy naman malapit sa hilagang bahagi ng Bohol.
“The cluster of afterÂshock as well as the mainshock medyo malayo siya from east Bohol fault suggesting that probably there’s a new fault system that probably moves because of this earthquake,†paliwanag pa nito na sinabing maaring hindi agad ito natukoy sanhi ng pabago-bagong klima ng panahon sa pagsusuri ng Phivolcs.
Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 173 ang bilang ng namatay sa lindol at 516 ang sugatan.
- Latest