^

Bansa

Team Albay nasa misyon sa Bohol, Cebu

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumalaot na naman sa isang mahalagang “mercy mission” ang kilalang Team Albay na ngayon ay nasa Bohol at Cebu matapos itong yanigin at sinalanta ng malakas na lindol noong Martes. Pang-10 misyong ito ng grupo na tumulak Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang mis­yon ay may dalang tig-P500,000 na tulong para sa dalawang probinsiya na itinalaga ng Albay Provincial Board bilang tulong at pagdamay sa mga nasalanta ng lindol, na kaagad namang inaprubahan ni Salceda.

Ang misyon ng Team Albay sa dalawang lalawigan ay pangalawa na nito kaugnay sa lindol. Ang una ay sa Samar noong isang taon na nilindol din. Ang pinakahuling misyon ng grupo ay sa Laguna na binaha naman kamakailan lamang.

Ang Bohol-Cebu mis­yon na binubuo ng 80 katao at may budget na P2.5 milyon. Ayon kay Salceda, may kahirapan ang misyong ito dahil mara­ming nasira sa mga ro-ro port at mga kalsada doon.

Sa ulat kahapon, 167 katao ang tiyak nang patay at mga 500,000 naman ang naapektuhan ng lindol.

Ayon kay Salceda ang Team Albay ay bilang pagkilala at ganti sa mga kabutihan at tulong din na ipinagkaloob sa mga Albayano nang siya ay sinalanta din ng maraming kalamidad sa nakaraan.

ALBAY GOV

ALBAY PROVINCIAL BOARD

ALBAYANO

ANG BOHOL-CEBU

AYON

BOHOL

JOEY SALCEDA

SALCEDA

TEAM ALBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with