P12M gastos sa Korea visit ni PNoy
SEOUL, South Korea – Naglaan ang gobyerno ng P12 milyon para sa 2-day state visit ni Pangulong Aquino sa South Korea, ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.
Dumating kahapon sa South Korea ang Pangulo eksaktong 12:59 pm (11:59 am sa Pilipinas).
Kabilang sa pagkakagastusan ng P12 milyon ang transportasyon, accommodation, pagkain at equipment requirements para sa Pangulo at kanyang 60-miyembrong opisyal ng delegasyon.
Nagtungo ang Pangulo sa South Korea sa imbitasÂyon ni Republic of Korea President Park Geun-hye.
Ngayong araw inaasahang makikipagkita ang PaÂngulo sa Filipino community na nasa South Korea.
Nauna ng inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Pangulong Aquino ang kauna-unahang lider ng bansa na nagsagawa ng state visit sa South Korea simula ng maluklok sa puwesto si Park noong nakaraang Pebrero.
- Latest