‘It’s more fun in the Philippines’ apektado ng lindol sa Cebu at Bohol
SEOUL, South Korea – Dahil sa malakas na lindol na tumama sa Cebu at Bohol, nagkaroon na ng mga kanselasyon sa mga naka-schedule na biyahe ng mga turistang mula sa South Korea, ayon kay Department of Tourism in Korea Director at Attache Maricon Basco-Ebron.
Inihayag ng opisyal na mahigit na sa 1,000 turista ang umurong sa kanilang biyahe sa Bohol at Cebu na pinaka-paboritong destinasyon ng mga turista mula sa South Korea.
Isa aniya sa kinatatakutan ng mga turisa ang mga “aftershocks†ng lindol kaya minabuting kanselahin na lamang ang flights ng mga nakatakdang magtungo sa Visayas region.
Pero nilinaw ni Ebron na hinihikayat naman nila ang mga turista na magtungo sa iba pang magagandang lugar sa bansa katulad ng Boracay at Palawan.
Sinabi pa ni Ebron na 30 porsiyento ng mga turistang Koreano na nagtutungo sa Pilipinas ay pumupunta sa Cebu lalo na yong mga estudyanteng nag-aaral ng ESL o ‘English as second language.’
Target umano nila ang makahikayat ng 1.2 milyong turistang Koreano para magtungo sa Pilipinas ngayong 2013.
Ipinagmalaki ni Ebron na sa nakalipas na 6 na taon, ang Korea pa rin ang numero uno sa pagdating sa tourist arrival sa Pilipinas.
Noong umanong nakaraang taon ay umabot sa P1.3 milyon ang mga turistang Koreano na nagtungo sa bansa.
- Latest