^

Bansa

CBCP kumilos na sa biktima ng pagyanig

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para tugunan ang pangangailangan ng mga residente na apektado ng 7.2 magnitude na lindol na tumama sa Bohol, Cebu, Negros provinces, Iloilo at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao, kaya kumilos na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action Justice and Peace at Caritas Manila.

Ayon kay CBCP-NASSA chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo at Caritas Manila executive director Fr. Anton Pascual na naghahanda ang kanilang organisasyon sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong lugar partikular na sa Bohol at Cebu.

Sinabi ni  Pabillo, nagsasagawa na ng assessment sa pinsala ng lindol ang mga social action center ng mga lugar na matinding napinsala ng lindol.

Nagpaabot na rin ng panalangin si Pabillo na maligtas ang lahat ng mamamayan sa patuloy na nararanasang aftershocks ng lindol.

Ayon naman kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, dahil sa lakas ng lindol ay gumuho ang mga makasaysayang simbahan sa Bohol tulad ng Dauis Church, ang mahigit 300-years na Baglayon Church at Loboc Church habang totally damage ang Loon Church.

Kinumpirma din ni Archdiocese of Cebu auxiliary Bishop Julito Cortez na napinsala din ng lindol ang makasaysayang Basilica ng Sto.Niño maging ang Cebu Metropolitan Cathedral.

Inihayag ni Bishop Cortez na isang bahagi ng Basilica ng Sto. Niño ang nawasak sa nangyaring pagyanig.

ANTON PASCUAL

ARCHDIOCESE OF CEBU

AYON

BAGLAYON CHURCH

BISHOP BRODERICK PABILLO

BISHOP CORTEZ

BISHOP JULITO CORTEZ

BOHOL

CARITAS MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with