5 pulis na nasawi sa MNLF siege, ginawaran ng posthumous promotion
MANILA, Philippines - Ginawaran kahapon ni PNP Chief P/Director General Alan Purisima ng posthumous meritorious promotion ang limang PNP personnel na nagbuwis ng buhay sa madugong 20 araw na siege ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.
Personal na pinangunahan ni Purisima ang ‘wreatlaying rites’ sa Bantayog ng Bayaning Pulis sa Camp Crame bilang pagkilala sa kabayanihan ng limang pulis na nagbuwis ng buhay upang mapanumbalik ang kapayapaan.
Nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal ng PNP kasama ang naulilang pamilya ng mga nasawing pulis sa nasabing bantayog.
Kabilang sa mga tumanggap ng posthumous promotion ay sina Inspector Jay Oy-Oyan ng Zamboanga City Police na naitaas ng ranggo bilang Senior Inspector; PO3 Murphy Abbilani, miyembro rin ng Zamboanga City Police na na-promote naman bilang SPO1; PO2 Lawin Salisa , PO2 Enrique Afable III, PO2 Christophe Hernaez at PO2 Christopher Hernaez; pawang mga kasapi ng Special Action Force na naitaas sa ranggong PO3.
Inihayag naman ni PNP Public Information Office (PIO) Chief P/Sr. Supt Reuben Theodore Sindac na tatanggap ang mga naulilang pamilya ng mga bayaÂning pulis ng mula P1.5 hanggang P2-M bukod pa sa P15,000 pang-habambuhay na pension mula sa PNP at kahalintulad na pension sa loob ng 5 taon mula naman sa NAPOLCOM.
- Latest