^

Bansa

Impeachment sa Pangulo, pag-aaralan pa ng Makabayan bloc

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pag-aaralan pa ng Makabayan bloc sa Kamara ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon sa grupo naniniwala sila na nakagawa ng  impeachable offense ang Pangulo dahil sa Disbursement Acceleration Program o DAP kabilang ang culpable violation of the constitution at betrayal of public trust pero kailangan pa umano ng mas malalim na pag-aaral sa legal at political grounds kung uubra ang paghahain  ng impeachment laban sa chief executive.

Nanindigan pa rin ang Makabayan bloc na unconstitutional ang DAP Dahil ipinatupad ito gamit ang pondong idineklarang savings ng mga ahensiya kahit hindi pa tapos ang taon ay ini-realign pa ang pondo sa mga proyektong wala naman sa pambansang budget.

Hinahamon pa ng grupo ang kongreso na ipawalang saysay ang circular ng budget department na lumikha ng DAP, palakasin ang ‘no impoundment provision’ ng General Appropriations Act (GAA) at buwagin ang lahat ng ‘lump sum discretionary funds’ ng Pangulong Aquino.

Ang Makabayan bloc ay binubuo nina Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate (Bayan Muna),Luz Ilagan at Emmie de Jesus (Gabriela), Antonio Tinio (Act teachers) Fernando Hicap (Anakpawis) at Terry Redon (Kabataan).

ANG MAKABAYAN

ANTONIO TINIO

BAYAN MUNA

CARLOS ZARATE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FERNANDO HICAP

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

LUZ ILAGAN

MAKABAYAN

NERI COLMENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with