Interes ng miyembro hindi SSS officials
MANILA, Philippines - Kailangang repasuhin ng Kongreso ang batas na Republic Act 10149 na lumikha sa Governance Commission for GOCC (GCG) na nagsisilbing tagabantay laban sa mga pang-aabuso sa mga korÂporasyong kontrolado at pag-aari ng pamahalaan.
Mungkahi ito ni House Committee on Labor Chair at Davao City Congressman Karlo Alexei Nograles bilang reaksyon sa napaulat na malalaking bonus para sa mga matataas na opisyal ng Social Security System.
Sinabi ni Nograles na kung isinasakatuparan lang ng GCG ang kanilang tungkulin, hindi sana maÂkakapagdesisyon ang maÂtataas na opisyal ng SSS na maglaan ng napakalaki at iskandalosong mga bonus para sa kanilang sarili habang humihingi ng pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro ng SSS.
Kaugnay ng katwiran ng GCG na ligal at competitive ang P1 milyong bonus ng mga governor ng SSS, pinuna ni Nograles na hindi maintindihan ng mamamayan kung paanong nabibigyan ng mga bonus ang mga opisyal ng SSS pero kailangang itaas ang kontribusyon ng mga miÂyembro dahil kinakapos ito sa pondo?
Pinuna ni Nograles na nilikha ng Kongreso ang CGC para maging tagabantay at hindi kasabwat ng katakawan pero patuloy pa rin itong nangyayari.
Sinabi pa ni Nograles na ang desisyon ng pamunuan ng SSS na magtaas ng kontribusyon ng mga miyembro kasabay ng paggantimpala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng malalaking bonus ay hindi lang nakakaapekto sa integridad at kredibilidad ng social security program kundi meron din itong epekto sa labor at employment sector dahil dagdag na gastos ito sa employer at empleyado.
Nanawagan ang mamÂbabatas sa mga opisyal ng GOCC na maging sensitibo sa epekto ng kanilang ginagawa sa kalagayan ng mamamayan.
“Bakit malalaking insentibo para sa matatas na opisyal habang naghihirap ang mga mamamayan?†dagdag ni Nograles.
“Bakit nagpapanukala ang mga opisyal ng SSS ng dagdag sa kontribusÂyon sa SSS ng mahihirap na miyembro nito kung maganda ang katayuan nitong pinansiyal?†dagdag ng mambabatas.
Kahit pa anya sabihin ng mga SSS executive na hindi nila ginagamit ang kontribusyon ng mga miyembro sa pagbibigay sa kanilang sarili ng mga bonus, anumang perang pumasok sa operasyon at pondong ginagamit sa puhunan ay pondo pa rin ng bayan.
- Latest