^

Bansa

Ombudsman, 4 pa huhubaran ng poder

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang hakbang ng Malacañang na kontrolin ang badyet ng limang indipendiyenteng ahensiya ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Tiangco na labag sa fiscal autonomy na ipinagkakaloob ng 1987 Cons­titution ang pagkontrol sa mga tanggapan ng Constitutional Fiscal Autonomy Group (CFAG) na binubuo ng Judiciary, Ombudsman, Civil Service Commission, COA at Comelec sa pamamagitan ng pagsususog sa panukalang 2014 Ge­neral Appropriations Act.

Pinuna pa ng kongresista na ang panukalang 2014 national budget ay puno ng mga probisyong labag sa Konstitusyon na nagpapanggap na special provision sa badyet ng limang tanggapan.

Ang naturang mga probisyon ay pagtatangka anya na kontrolin ang limang independiyenteng miyembro ng CFAG at lumihis sa sistema ng check and balance na inilatag ng Konstitusyon.

Sinabi pa ni Tiangco na isa nang fiscal dictatorship ang pagtatanggal sa mga judiciary at iba pang constitutional bodies ng kanilang fiscal autonomy.

APPROPRIATIONS ACT

BINATIKOS

CIVIL SERVICE COMMISSION

CONSTITUTIONAL FISCAL AUTONOMY GROUP

KONSTITUSYON

NAVOTAS REP

TIANGCO

TOBY TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with