160K OFWs iba-ban sa HK
MANILA, Philippines - Nanganganib na mawalan ng trabaho ang may 160,000 overseas Filipino workers sa Hong Kong dahil sa panukala ng mga mambabatas doon na i-ban ang mga OFW dahil sa kabiguan ng Pilipinas na pormal na humingi ng paumanhin sa pagkamatay ng walong HK tourists sa naganap na hostage crisis sa Manila noong 2010.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, hindi dapat gawing sangkalan ang mga OFWs sa isyu ng hindi pagbibigay ng pormal na apology ni PaÂngulong Aquino sa naganap na hostage-taking sa Quirino grandstand noong Agosto 23, 2010 na kagagawan lamang ng isang hostage-taker.
Iginiit ni Hernandez na huwag nang idamay pa ang mga OFWs na may pagpapahalaga sa kanilang trabaho at may mataas na kakayahan na nagbibigay kontribusyon sa sosyedad at ekonomiya ng Hong Kong.
Nabatid na pinamumunuan ng isang mamÂbabatas sa Hong Kong na si Albert Chan Wai-yip ang panawagan na ipagbawal ang mga OFWs sa HK.
Sa rekord, may 160,000 OFWs ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Hong Kong na posibleng maapektuhan sakaling maisulong ang nasabing panawagan.
Ipinaliwanag ng DFA na ang insidente ay naaÂyos na at pati sa pamilya ng mga biktima ay nagbigay na ng ‘financial token of solidarityâ€.
Sa kabila nito, sinabi ng DFA na patuloy silang makikipag-ugnaÂyan sa Hong Kong government upang malutas ang nasabing isyu.
- Latest