Pampasabog nasamsam sa Pasay
MANILA, Philippines - Hindi na “wow mali†dahil isang tunay na pampasabog na ang naÂtagpuan na nakalagay sa isang plastic bag sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.
Unang itinawag ni Counter Terrorism Division acting chief Supt. Edgar Monsalve kay Chief Insp. Romeo Daquis ng Intelligence Group sa Camp Crame ang impormasyong natanggap kaugnay sa plastic bag na naglalaman umano ng pampasabog.
Kaagad na nakipag-ugnayan si Daquis sa mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Pasay City Police at agad na pinuntahan nila ang sinasabing lugar dakong alas-3:20 ng madaling-araw at sinuyod ang kahabaan ng Macapagal Avenue.
Nadiskubre ang sinasabing kulay pulang plastic bag malapit sa tulay ng Macapagal Avenue sa tapat ng Dampa Seafoods Restaurant at kaagad na sinuri kung tunay ngang mga bomba ang laman nito.
Matapos ang inspection ay nakuha sa loob ng bag ang tatlong MK-2 fragmentation grenade, isang plastic na botelya ng mineÂral water na may lamang pulbura, isang cellphone Nokia na may nakalagay na kawad at ginawang blasting cap, na nakabalot sa lumang dyaryo.
Nagsagawa naman ng pagsisiyasat sa naturang lugar ang pulisya subalit wala isa mang makapagÂbigay ng impormasyon kung sino ang responÂsable sa insidente.
Nabatid, na kamakailan ay matinding pagsisikip ng trapiko ang naranasan ng mga motorista sa kahabaan ng EDSA dahil sa naÂganap na bomb scared dito.
- Latest