Konsehal kinasuhan ng graft sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng graft sa tanggapan ng Ombudsman ang isang newly elected Councilor ng Quezon City at isang treasurer ng barangay matapos umanong mag-withdraw ng halagang P170,520.00 sa bangko para sa bonus ng mga empleyado ng barangay ng walang kaukulang barangay resolution at dokumento.
Sa apat na pahinang charge sheet complaint sinampahan ng kaso si Councilor Jose A.Visaya ng 5th district ng QC at Elizabeth Galicia, barangay treasurer ng Barangay Novaliches Proper, QC.
Ipinagharap ng kaso ang dalawa ng mga kagawad na sina Teresita Bognot, Kagawad Leah Dj. Reyes at Kagawad Ma. Kristine Fider pawang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Bgy. Novaliches Proper.
Nag-ugat ang kaso makaraan umanong si Visaya na dating Punong Barangay ng Barangay Novaliches Proper at Galicia ay inaprubahan umano ang paglaÂlabas ng P170,520.00 halaga na pondo ng barangay para sa cash gift at Year End Bonus ng mga empleyado ng barangay ng wala umanong kaukulang barangay resolution.
- Latest