‘Santi’ lumakas
MANILA, Philippines - Bahagyang lumakas ang bagyong Santi habang mahinang kumikilos papunta sa direksiyon ng Luzon.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Santi ay namataan ng Pagasa sa layong 560 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Si Santi ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 9 kilometro bawat oras.
Ngayong Huwebes ng umaga si Santi ay nasa layong 370 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes at sa Biyernes ng umaga ay nasa layong 400 kilometro silangan ng Infanta, Quezon. Sa Sabado ito ay nasa layong 190 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Asahan na ang mga pag-uulan sa naturang mga lugar kayat kailaÂngan ang matinding pag-iingat ng mga residente rito.
- Latest