Pagtaas sa SSS contributions epektibo na sa Enero 2014
MANILA, Philippines - Epektibo Enero 2014 ay ipatutupad na ng SSS ang 11 percent taas sa monthly contributions ng mga manggagawa sa private sector nationwide mula sa dating 10.4 percent.
Sinabi ni SSS President at CEO Emilio de Quiros na kung ang isang pribadong manggagawa ay tumatanggap ng P10,000 sahod sa isang buwan, aabutin ng P60 kada buwan ang taas sa premium na ang kalahati ay aakuin ng empleyado at ang kalahati ay aakuin ng employer. Buong aakuin naman ng mga self employed ang dagdag sa monthly contributions.
Bunga ng pagtaas sa premium, inanunsiyo ni de Quiros na itataas din nila ang benepisyo ng mga miembro. Ang sickness benefits a day mula P450.00 ay gagawing P480 kada araw, maternity benefits mula P500/day gagawing P531/day, salary loan mula P15,000 ay gagawing P16,000 at taas sa pension benefits ng P400 o mula P6,000 ay gagawing P6,400.
Ipinaliwanag din ni de Quiros na legal ang P10 milyon bonus sa mga executives ng SSS. Alinsunod anya ito sa circular ng Government Comission on Gov’t Owned and Controlled Corporation na maaaÂring magbigay ng bonus sa mga tauhan na nagbigay ng magandang performance sa ahensiya.
- Latest