PNoy, HK exec nagkasundo sa ‘hostage’
MANILA, Philippines - Nagkasundo sina PaÂngulong Aquino at Hong Kong chief executive officer Leung Chun-Ying na iwan na sa nakaraan at mag-move on kaugnay ng Manila hostage crisis noong Agosto 2010.
Ang 30-minutong meeting na hiniling ni Leung ay nangyari matapos bulyawan ng tatlong HK journalists si P-Noy bago magsimula ang plenary meeting ng Asia Pacific Economic CooÂperation (APEC) Summit sa Nusa Dua sa Bali, Indonesia.
Ayon sa Pangulo, sinikap nilang dalawa na bigyang-linaw ang usapin. Ipinaliwanag niya ang posisyon ng Pilipinas sa hindi paghingi ng paumanhin sa hostage crisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.
“We explained and sagot parang dinedma, ano, tapos nagkaintindihan nang kaunti. Sabi ko sa kanila, sa culture namin when we apologize then it admits that we are at fault as a country, as a government, and as a people. And we pointed out, that from our perspective, there is one lone gunman responsible for this tragedy,†paliwanag pa ni PNoy.
Sabi naman anya ni Leung, sa kanilang kultura ay inaasahang humingi ng paumanhin ang awtoridad sa maling nagawa ng kababayan.
Pero sagot ng PaÂngulo, “So sabi ko, ‘That’s your culture, you practice those. That’s your system but in our system… We cannot admit wrongdoing if it’s not ours. But we do extend our sincerest condolences.’ Again, we expressed our deepest regÂret that it’s so contrary to how we treat visitors in our country,†na naunawaan naman ni Leung.
Sinabi rin ng Pangulo na kung sa bansa nangyari ang pambabastos ng media sa bisita ay tatanggalan niya rin ito ng akreditasyon.
- Latest