^

Bansa

Amyenda sa Juvenile law pirmado na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilagdaan na ni Pa­ngulong Aquino ang Republic Act 10630 o batas na nag-aamyenda sa Juvenile Justice Law.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mananatili pa rin sa 15 anyos ang edad ng mga exempted sa criminal liability o mga batang hindi maaaring kasuhan ng kriminal.

Ilan sa mga amyenda ang pagtatayo ng Bahay Pag-Asa sa bawat probinsiya at lungsod bilang 24-hour child-caring institution para sa mga batang lumabag sa batas.

Nakasaad na ang mga batang 12-anyos hanggang 15 anyos na sangkot sa krimen tulad ng rape, murder, infanticide, kidnapping, serious illegal detention, o lumabag sa Dangerous Drugs Law ay ituturing na neglected.

Mandatory na ilalagay ang mga batang ito sa Bahay Pag-asa na pangangasiwaan ng local government unit na tatawaging intensive juvenile intervention and support center.

Samantala, pinirmahan din ng Pangulo ang batas na nagpapalakas sa Animal Welfare Act of 1998. Kabilang sa mga itinuturing na paglabag sa batas ang maltreatment, abandonment, neglect at torture sa mga hayop.  Ang sinumang lalabag ay makukulong ng 6 buwan hanggang 1 taon at multa na hanggang P100,000.

ANIMAL WELFARE ACT

AQUINO

BAHAY PAG

BAHAY PAG-ASA

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

DRUGS LAW

JUVENILE JUSTICE LAW

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with