Ex-CSU prexy, guilty sa kasong graft
MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng mula 6 hanggang 10 taong pagkabilanggo si Armando Cortes; dating Presidente ng Cagayan State University (CSU) matapos mapatunayang guilty sa kasong graft.
Sa 47 pahinang desisyon ng anti graft court, nakasaad din dito na hindi rin pinapayagan na makakuha ng anumang posisyon sa gobyerno si Cortes dahil sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act (RA) No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) .
Sa court record, nadiskubre na si Cortes at Joseph Acorda, ex-CSU Vice President for Administrative Affairs at Chairman ng Pre-Qualification, Bids and Awards Committee ay pumasok sa kontrata noong 1996 sa isang Orlino Rabara, may-ari ng ACI Aneco CompuÂters, Inc. para sa pagbili ng ₱1.2 million halaga ng computer network system.
Nakita din ng Commission on Audit (COA) na nabili ang naturang mga computer system nang walang naisagawang bidding at wala ding canvass ng presyo kaya’t nagbenepisyo ng husto sa kontratang nabanggit ang ACI Aneco.
Samantala, sa isa pang graft case ay pinawalang sala si Cortes, Acorda at Rabara hinggil sa umano’y illegal na pagbili ng medical/laboratory supplies na may halaÂgang P170,950 dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin sa kanila sa kasong ito.
- Latest