^

Bansa

Salceda, idineklara ng DOT na Tourism champion ng Bicol

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinarangalan ng Department of Tourism (DOT) si Albay Gov. Joey Salceda bilang Tourism Champion ng Bicol, dahil sa pagkilala sa kanyang malikhaing mga programang pangturismo na umaani na ngayon ng tagumpay para sa kanilang rehiyon.

Ang parangal ay iginawad kay Salceda sa Unang Gayon Bicol Awards ng DOT na ginanap kamakailan. 

Ayon sa DOT, ang Gayon Bikol Award ay ipinagkakaloob sa mga opisyal at mga institusyon na ang malikhaing mga inisyatibo sa turismo ay tunay na nakakatulong sa pagpapasulong ng turismo sa rehiyon.

Bukod kay Salceda pinarangalan din ang walong iba pang opisyal ng Bikol, kasama sina dating Camarines Sur Gov. Luis Raymund Villafuerte, at Sorsogon City Mayor Sally Lee, dating gubernador din ng Sorsogon; at dalawang hotel sa Bicol.

Iginawad ng DOT ang Enterprise Service Excellence awards sa luxury Misibis Bay Island Resort and Hotel sa Bacacay, Albay at sa Avenue Plaza Hotel sa Naga City bilang pagkilala sa naiiba nilang mga serbisyo at “corporate social responsibility engagements.”

vuukle comment

ALBAY GOV

AVENUE PLAZA HOTEL

BICOL

CAMARINES SUR GOV

DEPARTMENT OF TOURISM

ENTERPRISE SERVICE EXCELLENCE

GAYON BIKOL AWARD

JOEY SALCEDA

LUIS RAYMUND VILLAFUERTE

MISIBIS BAY ISLAND RESORT AND HOTEL

NAGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with