^

Bansa

5,593 kumuha ng Bar exams

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 5,593 law graduates ang dumagsa  kahapon sa University of Santo Tomas kaugnay ng pagsisimula ng annual Bar examinations.

Ang 112th Bar exams ay isasagawa sa apat na Linggo ng Oktubre.

Alas-4 pa lamang ng madaling araw ay nagdatingan na ang mga examinees gayundin  ang mga tagasuporta sa bar ops mula sa Mindanao, Iloilo at Isabela.

Isinalang ang Political Law at Labor Law exam kahapon.

Naging maayos naman ang paligid bunsod na rin sa mahigpit na seguridad.

Una nang sinabi ni Manila Police District-Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joel Coronel na nagtalaga sila ng 130 pulis sa tatlong Linggo ng Bar exams kung saan sa ika-apat na linggo ay aabot na sa 260 ang ipakakalat na pulis.

Aniya, kailangan na matiyak ang seguridad ng mga examinees at supporters.

ANIYA

ILOILO

ISABELA

JOEL CORONEL

LABOR LAW

LINGGO

MANILA POLICE DISTRICT-DEPUTY DISTRICT DIRECTOR

OPERATIONS SR. SUPT

POLITICAL LAW

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with