Nur tatakas pa-Malaysia!
MANILA, Philippines - Bantay sarado ngayon ng tropa ng militar ang lahat ng ‘exit route’ na posibleng daanan ni Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari na sinasabing tatakas patungong Malaysia.
Sinabi ni 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre, sa kanilang pinakahuling monitoring ay nagtatago si Misuari sa isang lugar sa Sulu na tumanggi muna nitong tukuyin.
Maging ang mga barko ng Philippine Navy ay mahigpit na ring ikinokordon ang karagatan ng Sulu hanggang Tawi-Tawi upang mapigilan ang posibleng “grand eskapo†ni Misuari na ginawa na nito nang atakihin ang Cabatangan Complex sa lungsod din ng Zamboanga taong 2001.
Ang pagtugis ay kasunod ng ipinalabas na search warrant ng korte laban kay Misuari na sinampahan na ng kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 o ang Crime Against International Humanitarian Law, genocide at iba pa.
Si Misuari ang itinuturong utak ng pagsalakay ng 5 MNLF commander sa pamumuno ni Habier Malik sa anim na barangay sa Zamboanga City noong Setyembre 9. Natapos ang krisis noong Setyembre 20 o halos tatlong linggo.
Sa naturang bakbakan 24 ang nasawing security forces habang 194 ang nasugatan, 12 ang patay sa sibilyan at 54 ang sugatan.
Nasa 192 MNLF fighters naman ang napaslang at 254 ang sumuko at naaresto.
Magugunita na NobÂyembre 2001 ay nasangkot rin ang MNLF sa pangho-hostage ng mahigit 50 sibilyan sa Cabatangan Complex sa Zamboanga City pero inabot lamang ng isang araw ang stand-off.
Tumakas si Misuari patungong Malaysia matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang korte at nasakote rin sa nasabing bansa hanggang ideport sa Pilipinas.
Makaraan ang ilang taon, ipinaaresto ng gobyerno si Misuari na nakulong sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna hanggang 2008 pero nakapagpiyansa para makalaya hanggang sa mapawalang sala sa kasong sedisyon at rebelÂyon bunga ng kakulangan ng ebidensya.
- Latest