^

Bansa

Villar pinakamayaman, Trillanes pinakamahirap na senador

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakamayaman sa 12 bagong halal na senador ng 16th Congress si Senator Cynthia Villar na nagtala ng P1.23 bilyon assets at wala itong naitalang utang, na sinundan ni Sen. Grace Poe na nagdeklara ng P147.8 milyon na yaman base sa isinumite nilang Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN).

Pangatlo si Sen. Sonny Angara na may net worth na P93.81 milyon, pang-apat si JV Ejercito, P72.1 milyon.

Pang-lima si Nancy Binay na nagdeklara ng P63.93 milyon na sinundan ni Loren Legarda, P41.9 milyon.

Si Alan Peter Caye­tano na muling nahalal ngayong 16th Congress ay nagdeklara ng networth na P22.5 milyon, samantalang si Gregorio Honasan naman ay nagdeklara ng net worth na P20.99 milyon.

Ang pinsan ni Pangulong Aquino na si Bam Aquino ay nagdeklara ng net worth na P18.24 milyon, habang si Koko Pimentel ay may P17.08 na kayamanan. Si Sen. Chiz Escudero ay nagdeklara naman ng P7.96 milyon at pinakamaliit ang idineklara ni Antonio Trillanes na P4.28 milyon.

Nagdeklara ng kanilang SALN ang mga bagong miyembro ng 16th Congress matapos ma­nalo sa nakaraang halalan noong nakaraang Mayo.

Malaking isyu ngayon sa Senado ang kayamanan ng ilang senador matapos masangkot sa pork barrel scam dahil sa paglalagay ng pondo sa mga pekeng non-go­vernment organizations ni Janet Lim-Napoles.

ANTONIO TRILLANES

BAM AQUINO

CHIZ ESCUDERO

GRACE POE

GREGORIO HONASAN

JANET LIM-NAPOLES

KOKO PIMENTEL

LOREN LEGARDA

MILYON

NAGDEKLARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with