‘Kleptocracy’ hindi na democracy sa Pinas - Miriam
MANILA, Philippines - Hindi na demokrasya ang namamayani sa bansa kundi ‘kleptocracy’.
Ayon kay Senator MiÂriam Defensor-Santiago, ang estado ng gobyerno sa ngayon ay matatawag ng ‘kleptocracy’ dahil na rin sa talamak na nakawan ng pondo ng gobyerno kung saan mismong mga mambabataas ang sangkot.
Ginawa ni Santiago ang pahayag sa kanyang talumpati sa 50th golden anniversary ng Colegio de Sta. Rosa, Makati sa Rockwell Centre.
“Hindi na tayo democracy. Kleptocracy na tayo. Ang mga pulitiko natin, puro kleptocrats,†pahayag ni Santiago.
Mistulang binalewala na umano ng mga mambabatas ang judicial system at rule of law ng bansa dahil sa ginawa nilang magmanipula sa pondo ng gobyerno.
“Nagnakaw ng limpak-limpak na pera, akala nila lagi silang may lusot. Wala nang respeto sa judicial system o sa rule of law,†pahayag ni Santiago.
Tinawag din ni Santiago na mga “moron†ang mga pulitiko na kulang din umano sa physical at intellectual prowess.
Kaugnay nito, nagbabala si Santiago na magiging isang “failed state†ang Pilipinas kung hindi uusad ang plunder case na isinampa sa ilang mga mambabatas.
Base sa TranspaÂrency International ang isang “failed state†ang isang bansa na walang epektibong ‘judicial system’ at the rule of law.
Ibinigay na halimbawa ni Santiago sa mga bansa na maituturing aniyang “failed state†ang Burma at Haiti na talamak umano ang korupsiyon.
- Latest