Pagbisita ni Obama sa Pinas kinansela
MANILA, Philippines - Dahil sa US shutdown, kinansela ang nakatakdang pagbisita ni US President Barack Obama sa Pilipinas sa Oktubre 11 at 12.
“This morning, United States President Barack Obama conveyed to President Benigno S. Aquino III that he regrets that he will not be able to push through with his visit to Manila this month,†ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez.
Sinabi naman ni Pangulong Aquino na naiintindihan niya ang desisyon ni Obama at mapapanatili aniyang matatag ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika.
Bukod sa Pilipinas, kinumpirma din ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na hindi na rin tutuloy si Obama sa kanyang pagbisita sa Malaysia.
Dahil sa government shutdown sa US, libu-libong federal workers ang nawalan na ng trabaho noong Martes at hindi na rin maka-access ng work emails bilang bahagi ng US government policy.
Apektado na rin ang mga communication channels para sa publiko habang ang mga karaniwang nagagamit ng US citizens na federal websites at Twitter feeds para makapagtanong at makakuha ng impormasyon sa kanilang gobyerno ay hindi na rin gumagana.
Sinabi naman ng US Embassy sa Manila na hindi sila apektado sa krisis at tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo sa publiko kabilang na ang pagpo-proseso nila ng mga aplikasyon sa visa.
- Latest
- Trending