Sige i-impeach n’yo ko! - PNoy
MANILA, Philippines - Hinamon ni Pangulong Aquino ang kanyang mga kritiko na sampahan na lamang siya ng impeachment case kaugnay sa sinasabi na ginawang paÂnuhol ang Disbursement Acceleration Program (DAP) fund sa mga mambabatas pagkatapos ng impeachment proceedings laban kay daÂting Chief Justice Renato Corona.
“Isulong nila kung palagay nila tama sila pero kakabasa ko lang sa Constitution, meron authority sa savings to put to other uses basta nandun sa ating budget. Nakatoka naman ‘yun supposed to be for projects that are already authorized by Congress,†wika ng PaÂngulo bilang tugon sa mga komento nina Sen. Miriam Defensor-Santiago at daÂting Sen. Joker Arroyo sa pamamahagi ng DAP funds sa mga senator-judges.
Igniit ng Pangulo na hindi ginamit ng gobyerno na pangsuhol sa mga senator-judges ang DAP fund para sa impeachment ni Corona.
Wala anyang katotohanan ang alegasyon na sinuhulan ng gobyerno ng tig-P50 milyong DAP fund ang mga senator-judges na bumoto para sa impeachment ni Corona habang P10 milyon namang DAP para sa mga tumulong na kongresista.
Ayon sa Pangulo, buwan ng Mayo ang conviction ni Corona sa Impeachment Court kung saan ay tumayong senator-judges ang mga senador habang October na ng ipalabas ang DAP funds.
Ipinagtanggol din ng Pangulo ang DAP at iginiit na hindi ito labag sa Konstitusyon at kailangan ito ng gobyerno upang maÂpaÂlakas ang economic growth.
Umalma din si PNoy sa tawag sa kanya ngaÂyong “pork barrel king†ng kanyang mga kritiko.
Naniniwala naman si Senator Grace Poe na hindi uusad ang impeachment complaint na binabalak ng ilan na isampa laban kay Aquino.
Sinabi ni Poe na si Aquino pa rin ang “most credible president†ng bansa at marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya.
- Latest
- Trending