MANILA, Philippines - Umaabot na sa 58 katao ang naaresto sa pinalakas na checkpoint operations ng mga awtoridad kaugnay ng 45 araw na gun ban para sa gaganaping Brgy. elections sa darating na Oktubre 28.
Ayon kay Sr. Supt. Wilben Mayor, spokesman ni PNP Chief Director Gen. Alan Purisima, simula ng ipatupad ang gun ban nitong Setyembre 28 ay nasa 58 na ang nasakote kabilang ang dalawang pulis, isang opisyal ng gobyerno, 54 sibilyan at isang security guard.
Nakasamsam rin ng 46 armas, tatlong airgun at replicas, 19 patalim at tatlong granada habang nasa 477 iba’t ibang uri ng mga eksplosibo.
Magtatagal ang gun ban hanggang Nobyembre 12, 2013.