Abad pinagpapaliwanag
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng oposisyon sa Kamara si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad kaugnay sa umano’y pinamigay nito na P10 milyon at P50 milyon na Disbursement Allocation Program (DAP) sa mga mambabatas noong Corona impeachment trial.
Ayon kay independent minority block leader Ferdinand Martin Romualdez at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, ang nabunyag na extra pork sa mga mambabatas ay mas nagbibigay umano ng dahilan na i-itemized ang budget na hinahawakan ng Pangulo para sa transparency at accountability ng mga public funds.
Sa ganitong paraan umano ay maiiwasan na ang mga pang-aabuso sa paggamit ng lump sum funds lalo na ngayonh sumabog na naman ang panibagong kontrobersya sa pamimigay umano sa mga kongresista ng nasabing halaga.
Dahil dito ay hinaÂmon ni Romualdez ang MaÂlakanyang at si Abad na ipaliwanag kung saan nanggaling ang DAP dahil hindi naman provided sa nagdaang inaprubahang alokasyon ang nasabing pondo at kung ito ba talaga ay insentibo o reward para mapatalsik sa puwesto ang dating punong mahistrado.
Bukod dito, lalo pa umanong nalagay sa alaÂnganin ang integridad ng mga mambabatas na bumoto para patalsikin si Corona at naapektuhan ang buong institusyon sa panibago na namang kontrobersiya.
- Latest