^

Bansa

2K na allowance sa mga guro, hiling

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais nina A-Teacher Partylist Reps. Mariano Piamonte Jr. at Julieta Cortuna na madagdagan ng  2,000 medical allowance ang mga pampublikong guro sa buong bansa.

Sa House Bill 2407 na inihain nina Reps. Piamonte at Cortuna ay para sa mga public school teachers sa elementary at high school levels.

Itinatakda din ng panukala ang regular adjustment ng medical allowance ng mga public school teachers kada limang taon.

Bukod dito ayon kay  Piamonte na ang mga guro na nasa alternative learning system ng Department of Education (DEpEd) ay mabibiyayaan din ng P2,000 medical allowance kada buwan.

Kailangan umano  ito lalo na sa mga gurong nagtuturo sa malalayo at liblib na lugar sa probinsiya.

Sa ilalim ng panukala, ang kinakailangang budget para sa allowance ay isasama sa taunang budget ng DepEd at State Universities and Colleges.

A-TEACHER PARTYLIST REPS

BUKOD

CORTUNA

DEPARTMENT OF EDUCATION

ITINATAKDA

JULIETA CORTUNA

KAILANGAN

MARIANO PIAMONTE JR.

PIAMONTE

SA HOUSE BILL

STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with