^

Bansa

Eco-tourism, agri-aqua sa Aurora

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

AURORA , Philippines   â€“ Pangma­tagalang kaunlaran sa eco-tourism at mga proyektong agri-aqua sa Aurora at mga karatig lalawigan ang inilatag ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (Apeco).

Ayon kay Malcolm Sarmiento, pangulo at CEO ng Apeco na magi­ging sentro ng ecozone ng bio-processing ang hilagang-kanluran ng Luzon kabilang ang Nueva Ecija, Quezon, Quirino, Nueva Vizcaya ar Isabela na tutuon sa produksyon at kalakalan ng agri-aqua.

“Maging ang paglikha ng trabaho at oportunidad pangkabuhayan ay bahagi ng proyekto ng Apeco,” dagdag pa ni Sarmiento.

Isa sa katangian ng Aurora  para maging ecozone ay ang pagiging bungad nito sa pinakamalakng karagatan sa mundo at ang 200-milyang Exclusive Economic Zone.

Ipinahayag pa ni Sarmiento na itinakda ng Fisheries Code ng Pilipinas na maaring gamitin ang 10 porsiyento ng look para sa aquaculture kung saan aabot sa 3,000 ektarya ng look sa Casi­guran na magiging seaweed farming at mariculture (fish farming).

Itatatag din ang bamboo nursery na magbibigay-serbisyo sa mga taniman ng kawayan sa Aurora katuwang ang Bambbo Foundation of the Phils. kung saan maaaring ilatag ang bamboo plantation at processing plant sa Apeco.

APECO

AURORA PACIFIC ECONOMIC ZONE AND FREEPORT AUTHORITY

BAMBBO FOUNDATION OF THE PHILS

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

FISHERIES CODE

MALCOLM SARMIENTO

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

SARMIENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with