^

Bansa

Ulat panahon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Kabisayaan at mga rehiyon ng MIMAROPA, Caraga at Hilagang Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kala­ngitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan hanggang silangan ang iiral sa dulong Hilagang Luzon, mula naman sa timog-kanluran hanggang timog sa nalalabing bahagi ng Luzon at Kabisayaan at mula naman sa timog-kanluran hanggang kanluran ang iihip sa Mindanao. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Ang araw ay sisikat dakong 5:45 ng umaga at lulubog dakong 5:47 ng hapon.

 

ANG KABISAYAAN

ANG METRO MANILA

CARAGA

HANGGANG

HILAGANG LUZON

HILAGANG MINDANAO

KABISAYAAN

LUZON

MAHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with