^

Bansa

Drilon nagpasaklolo na naman sa Ombudsman

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa halip na magpalabas ng sariling desisyon bilang lider ng Senado, hiniling na naman ni Senate President Franklin Drilon ang opinyon ng Ombudsman tungkol sa apela ni Senator Teofisto Guingona III na i-rekonsidera ang  desisyon nito na huwag ipa-subpoena si Janet Lim Napoles upang hindi makaharap sa pagdinig ng Se­nate Blue Ribbon Committee tungkol sa imbestigasyon ng pork barrel scam.

Muling  ipinasa ni Drilon sa Ombudsman ang pagpapalabas ng desisyon kung dapat bang paharapin sa Senado si Napoles na itinuturong utak ng pork barrel scam kung saan nagawa nitong ilipat sa kanyang mga pekeng Non Government Organizations (NGO’s) ang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) ng ilang senador at congressmen.

Inihayag pa ni Drilon na ipinagpaliban niya ang pag-aksiyon sa kahilingan ni Guingona dahil na rin sa payo ng Ombudsman noong Setyembre 23 na hindi nararapat paharapin sa pagdinig si Napoles.

Iginiit ni Drilon na hindi dapat balewalain ang opinyon ng Ombudsman sa usapin ng pagpapatawag kay Napoles kahit wala pa namang naiisampang kaso sa Sandiganbayan.

Nauna ng sinabi ni Sen. Francis Escudero na wala pang karapatan ang Ombudsman kay Napoles dahil wala pa namang naiisampang kaso laban dito at sa halip ang korte sa Makati ang dapat magpasya kung papaharapin siya sa pagdinig o hindi.

Bagama’t  sinampahan na ng reklamong plunder si Napoles sa Ombudsman kasama ang ilang senador sumasailalim pa rin umano ito sa imbestigasyon at saka pa lamang pormal na maghaharap ng reklamo sa Sandiganyan.

 

ASSISTANCE FUND

BLUE RIBBON COMMITTEE

DRILON

FRANCIS ESCUDERO

JANET LIM NAPOLES

NAPOLES

NON GOVERNMENT ORGANIZATIONS

PRIORITY DEVE

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with