P900-M pondo ng Malampaya sa ‘pork’ barya lang - obispo
MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo na barya lamang ang P900 milyong pondo ng Malampaya fund na napunta sa pork barrel scam kung ikukumpara sa P3.9-B Malampaya fund na ibinigay sa Department of Energy.
Ayon kay Arigo, nagtataka lamang siya kung saan napunta ang P2.4-B royalties mula sa Malampaya gayong 900-milyong piso lamang ang napunta sa mga pekeng NGOs ni Janet Lim Napoles at bulsa ng mga mambabatas.
Nalulungkot si Bishop Arigo dahil ang bilyun-bilyong pisong royalties mula sa Malampaya ay napunta lamang sa mga “ghost project†at bulsa ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Nanghihinayang si Bishop Arigo sa pondo dahil marami sanang tulay, silid-aralan at mga kalsada ang naipagawa kung nagamit lamang sa tama ang pondo mula sa Malampaya.
Umaasa si Bishop Arigo na maging transparent at accountable ang binuong oversight committee na naatasang mangasiwa sa pondo mula sa Malampaya.
Naniniwala ang Obispo na kapag naging institutionalize ang sistema sa pangangasiwa ng royalties mula sa Malampaya at pag-abolish ng pork barrel system ay magiging graft free ang Pilipinas.
Nabatid mula sa community monitoring ng PaÂlawan mula 2000-2011, nanatili sa 58.3-percent ang mga mahihirap na pamilya sa Palawan.
- Latest